Pag may tiyaga! May nilaga!
Ito yong lagi ko noon napapakingan nong ako ay nasa elementarya pa lamang..sabi ng titser ko Pag may tiyaga ka raw tiyak may makakmit ka na maganda sa iyong buhay. gaya nga ng aking nararamdaman ngayon, labis ang aking kasiyahan sapagkat dalawang buwan nalang makakapagtapos na rin ako sa kinuha kong kurso ang maging guru.Malaki ang aking pasasalamat sa Mahal na Panginoon at sa mga taong sumuporta sa takbo ng aking career.. diko ito makakamit kong walang kayo, na nag silbing tulay sa aking tagumpay. Sa aking nanay na todo kayod upang ako ay makapag maraming salamat po. kayo po ang dahilan kong bakit patuloy ako sa pag abot ng aking pangarap..kina ate She at kuya Jun, thankypu po! kayo po ang nagsilbing tulay sa aking pag aaral. salamat po sa lahat2x ng binigay niyo sakin upang ako ay makapag aral at makapag tapos.
Sa likod ng larawang ito ay may napakagandang kwento na mag sisilbing inspirasyon sa lahat ng makakabasa nito.
Ako po pala si JOEL D. SALANGUSTE taga BOBON N. SAMAR. kaka graduate ko palang non ng hayskul ng mag pasya ang nanay na dalhin ako sa iloilo at don ay mag aral ng kolehiyo. sa iloilo kasi nag tatrabaho ang nanay at don nga'y balak niya ako dalhin at pag aralin. kaya ayon sumama ako ki nanay at ditoy nag aral kinuha ko ang kursong pagiging guru yon lang kasi ang mura ang tuition at ito din ang aking gusto ang maging isang guru. kaya ayon nga para di masyado kapusin sa pera eehh pumasok na din ako bilang boy sa isang tubing o waterstation.
Mag aapat na taon na ako dito sa water station at laking pasasalamat ko at malapit na akong magtapos..nag tatrabaho ako pag sabado at linggo pag wala din akong klase ng tatrabho ako, dumuduty din ako ng ilang oras pag inumaga ng uwi buhat sa klase. minsan mahirap at nakakapagod pero dahil sa gusto ko maabot ang pangarap ko at makapag tapos ay tinitiis ko nalang at gina gawa ko nalang ito as my motivation sa araw-araw na kailangang kong makapagtapos para makatulog sa hirap naming pamilya.
Pinagdadasal ko lang sa Pangioon na sana ay gabayan niya pa ako sa kong anu pa ang tatahakin at darating na pag subok sa buhay ko.. ako ay isang simpling mag aaral lamang na walang ibang hinangad kundi ang maiahon sa hirap ang anking pamilya.
Sana ay may mapulot kayong konting inspirasyon sa munti kong kwento..heheh kilangan kona tapusin mag sasara na kasi kami. Sabado po kasi ngayon at alam niyo na kong nasaan po ako nagyon..bayyyyeeee muah GODBLESS!!!!
#MYFIRSTBLOG
#JAN302016
#5;42PMjsalanguste.blogspot.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento